Rematch kay Yesica Marcos inihirit ni Julaton

HUMIHIRIT ngayon ng rematch si Ana “The Hurricane” Julaton kay Yesica Marcos.

Si Marcos ang umagaw sa WBO women’s super bantamweight belt ni Julaton (via unanimous decision ) sa nakaraang sagupaan nila sa San Martin, Mendoza, Argentina nitong Marso 16.

Sa kanilang laban, napabagsak pa ni Julaton si Marcos sa ikalawang round ngunit agad itong nakabawi hanggang tuluyang naagaw ang titulo sa Filipino-American.

Kung pagbibigyan ang rematch ay hihilingin ni Julaton na gawin ang laban sa dito sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply