Rep. Gonzales ipinako-contempt sa impeachment court

“WALANG batayan. That is a diversionary tactic.”

Ito ngayon ang isinisigaw ni House Majority Floorleader Neptali “Boyet” Gonzales II matapos maghain ng Motion to Cite in Contempt ang depensa laban sa kanya.

Giit pa ni Gonzales na istratehiya umano ng depensa ang pag-awayin ang mga kongresista upang malihis ang atensyon ng publiko sa halip na matuon kay Chief Justice Renato Corona.

“Unang–una ay walang basehan. Lahat ito ay design by the defense to muddle the issue para ma-delay dahil baka magbago ang public perception,” sinabi pa ni Gonzales na nadawit sa usaping ito matapos ibunyag ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa impeachment court na “binu-bully” siya bilang pagpigil na siya ay tumestigo.

Pabiro pang sinabi ni Gonzales na naghahanap na lamang diumano ng damay si Atty Jose M. Roy na siyang lumagda sa mosyon ng depensa.

Si Atty. Roy ay na-contempt din ng impeachment court dahil sa pahayag na nagkaroon diumano ng bayaran na P100 milyon sa panig ng mga senador upang paboran ang walong article of impeachment laban kay Corona.

Subalit “reprimand” lamang ang iniukol na kaparusahan ng mga senator-judges sa kanya.

Si Atty. Vitaliano Aguirre naman ay “admonition” lamang ang ipinataw na parusa, dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagsasalita si Senadora Miriam Defensor-Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply