Rep. Pacquiao nakahanap ng kakampi

NAKAKUHA ng kakampi sa Senado si Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao laban sa pagbabaterya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagbabayad ng buwis.

Kinondena nayon ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang walang humpay ng pagbabaterya ng BIR kay Pacquiao na pinakahuli ang pagpapalathala sa hindi pagbabayad ng buwis ng pambansang kamao.

“While I completely understand that it is the job of the BIR to ensure the proper collection of taxes, I am certain it is not part of their job description to shame people publicly and make circuses out of their circumstances,” ayon kay Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na hindi dapat ganito ang ginagawa ng pamahalaan sa isang taong ikinokonsiderang contemporary hero na nagbigay ng karangalan at gilas sa ating bansa.

Aniya, tila kumikilos ang BIR bilang isang credit card collection agents na gumagamit ng harassment at intimidasyon sa kanilang kliyente at gagawin ang lahat upang makolekta ang hindi nabayarang buwis.

Dahil dito, hinikayat ni Revilla ang BIR na magsampa ng kaukulang kaso sa korte kung naniniwala ang ahensya na nagkamali si Pacquiao sa pagbabayad ng buwis at itigil ang black propaganda campaign laban sa mambabatas.

“If the BIR is certain that Manny committed an error, then just take the necessary actions and file the necessary charges. Bakit kailangan pang ianunsiyo sa mga peryodiko?” himutok ni Revilla.

Pinayuhan din ni Revilla si Pacquiao na balewalain ang black propaganda ng BIR kung naniniwala siyang harassment lamang ang ginagawang pagkilos ng BIR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply