Resto, sasakyan wasak sa buhawi sa Bacolod City

NAWASAK ang isang restaurant at sasakyan sa paghagupit ng buhawi sa Bacolod City kaninang tanghali.

Dinala ng malakas na hangin ang bubungan ng Ting-Ting Restaurant na nasa BS Aquino Drive shopping area sa  Bacolod City.

Ilang puno rin ang nabuwal at may isang armored vehicle ng isang security agency na nakaparada sa gilid ng daan ang nadaganan ng natumbang kahoy.

Nawasak din ang crystal na dingding ng tanggapan ng Bacolod Filipino Chinese Chamber.

Sa kabila nito, wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa pagtama ng buhawi dakong alas-12:30 ng tanghali.

Una rito, bigla na lamang dumilim ang paligid bunga ng makapal na kaulapan na sinundan ng pagbuhos ng napakalakas na ulan sa lungsod.

Dahil sa pangyayari, nagdulot naman ng brownout sa ilang lugar ang pananalasa ng buhawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply