Reyna ng smuggler ng Port of Clark, nagpapasasa

MULI nating silipin itong smuggler na si Fe B. na ubod nang lakas sa Port of Clark, Angeles City.

Kahit sino ang ating kausapin sa Port of Clark ay ubod talaga nang lakas nitong si Fe B. na tinaguriang “Reyna ng mga Smuggler” kay District Customs Collector  Dela Cuesta.

Bukod kay Dela Cuesta, malakas din si Fe B. sa Customs Police, Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation.

Si Fe B. ang kaisa-isang babaeng smuggler na kumikilos sa loob ng bakuran ng Port of Clark.

Palibhasa’y isa sa mga ipinagmamalaki ni Fe B. ang anak nitong KONSEHAL sa Angeles City, kayang-kaya niyang palusutin ang mga kargamento sa nasabing pier kahit iligal ang negosyo nito.

Ayon pa sa ating source, malayang nailalabas-masok ni Fe B. ang kanyang mga parating na epektos kahit hindi nagbabayad ng customs tax.

Ayoko sanang maniwala sa source na “tongpats” si Dela Cuesta kay Fe B.

Ang nakapagtataka kasi rito ay kung bakit tila ‘di kumikilos si DC para mapatigil ang smuggling operation ni Fe B.

Magkano kaya….?

MASISIPAG NA ORBITER  NG EPD

Dumako naman tayo sa Eastern Police District na pinamumunuan ng bagong upong district director na si Supt. Mario Soriano.

Talamak ang iligal na pasugalan sa distrito na ‘yan kaya naman namamayagpag sa pangongotong sa mga iligal ang tong-collector ni DD na si alyas“Rocky” na isang sibilyan pero kung mag-aasta animo’y pulis.

Ano ba yan, kernel?

Maging itong si PO2 Benny Santiago ay wala ring sawa sa pangongotong sa mga iligal na pasugalan sa EPD gamit ang CIDG-Anti Fraud sa EPD.

oOo

Anoman ang reklamo, mangyaring itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yao.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply