Rhian naging kontrabida sa takilya

DAPAT siguro magpalamig-lamig muna itong si Rhian Ramos.  Huwag muna siyang gumawa ng maraming projects dahil  hindi pa handa ang moviegoers na panoorin siya sa big screen. Heto kasi’t hindi pa nawawala ang pagkanegatibo niya dahil sa ginawang mga pagbubulgar ni Mo Twister tungkol sa pagpapa-abort nya. Susme! hindi naman lahat ng tao ay magbubulag-bulagan sa ginawa nya, na dapat ay maging role model siya sa lahat partikular sa mga kabataan pero ano itong ginawa nya nakasasama para sa imahe ng isang artista.

Kaya hindi na kami nagtaka kung hindi naging mainit sa takilya ang My Kontrabida Girl.  Sa title pa lang negatibo na, eh, yung bida pa kaya. I-partner pa siya sa wala namang kalatuy-latoy umarteng si Aljur Abrenica. Wala pang box-office appeal.

Ano kaya ang ini-expect ng GMA nang pagsamahin nila ang negatibo at walang kabuhay-buhay na aktor, milagro?

Mag-isip naman kayo. Kayo rin, baka mapurdoy kayo sa kagagawa n’yo ng pelikula.

o0o

Cristine Reyes, recording star na

MATAPOS ang unang linggo ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Dahil sa Pag-Ibig” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Christopher de Leon, Cristine Reyes, at Maricar Reyes, inilunsad naman ang “Dahil sa Pag-Ibig Official Soundtrack” album nung nakaraang Linggo (Marso 18) sa SM Skydome.

Tampok sa album na ilalabas ng Star Records ang mga awiting tiyak na tatatak sa puso ng mga tagasubaybay ng karakter nina Alfred (Piolo), Oliver (Jericho), Jasmin (Cristine), Agnes (Maricar) at Leo (Christopher). Bahagi ng tracklist ang “Sa Kanya” ni Piolo, “Nang Dahil sa Pag-Ibig” ni Cristine, “Maghihintay Sa’yo” ni Angeline Quinto, at “Pagdating ng Panahon” ni Bryan Termulo.

Patuloy na subaybayan ang lalong gumagandang istorya ng “Dahil sa Pag-Ibig” gabi-gabi, pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

o0o

Louise hinimatay sa Party Pilipinas

NAGKAGULO raw sa isa sa mga dressing rooms ng Party Pilipinas dahil kay Louise delos Reyes na hinimatay sa hindi malamang dahilan. Maagap naman daw na binuhat ni Enzo Pineda ang dalaga pababa ng hagdan ng basement parking ng GMA7 upang dalhin sa sasakyan at itakbo sa pagamutan. Habang karga raw ni Enzo si Louise ay wala itong malay.

Okey na raw ngayon ang Kapuso star pero hindi pa natin alam kung ano ba ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Over-fatigue lang ba ito o may iba pa siyang sakit. Hindi naman natin puwedeng sabihing buntis dahil matino namang dalaga ito, at sobrang bata pa nito para sa bagay na ‘yan. 19 pa lang siya ngayon.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply