Riles ng LRT 1 papalitan na

PAPALITAN na ang mga riles ng LRT 1 na byaheng Baclaran hangang Roosevelt at pabalik dahil sa kondisyon ng mga ito.

Upod na umano ang mga nabanggit na riles at ‘di na mabuti para sa tag-ulan ayon kay Department of Transportation and Communications Secretary Mar Roxas.

Matatapos umano ang pagpapalit sa mga riles bago matapos ang taon.

Ang mga ipapalit na riles ay mangagaling pa ng Korea. Magkakahalaga diumano ang mga ito ng P 300 milyon.

Hindi naman umano makakasagabal sa biyahe ng LRT ang pagpapalit at pag-aayos nito dahil maaari namang gawin ito sa gabi kung kailan nakatigil na ang mga tren.

Matibay naman umano ang mga riles sa ngayon subalit magsisiguro na ang DOTC upang maiwasan ang anumang disgrasya sa panahon ng tag-ulan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply