Road Warriors inatado ang Jr. Tigers

KINATAY ng NLEX Road Warriors ang Powerade Jr. Tigers sa pagtatala nila ng pangatlong kabit-kabit na panalo sa PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Nagtala ng double-double si Cliff Hodge sa kanyang 20 points at 10 rebounds habang si Chris Ellis ay may 12 points na dinagdagan ng tig-10 markers nina Calvin Abueva at Eman Monfort.

Samantala, pinadapa ng Pacific Pipes ang Boracay Rhum sa manipis na, 69-67, para sa una nilang panalo sa tatlong laro habang namayani ang Cebuana Lhuillier laban sa Café France sa score na 84-72 sa huling laro ng triple offering ng foundation cup.

Dinomina ng Road Warriors ang rebounds sa pagtatala ng 65 laban sa 37 ng Jr. Tigers at nadiyeta sa 19 sa 72 shooting. Ang malakas na ipinakita sa rebounds ng NLEX na isang 31-15 bentaha sa offensive ay nagresulta ng 27 second chance points.

Si Ian Sangalang na may anim na puntos at apat na rebounds at si Abueva na panaka-nakang ginamit matapos hindi makalaro noong Linggo ay nakagawa rin ng mga puntos partikular sa shaded area.

Sa unang laro bumanat si Raymond Ilagan ng game-winning basket sa huling 1.7 segundo para masingitan ng Pacific Pipes ang Boracay Rhum sa manipis na 69-67 sa pagbasag nila sa win column.

Mga laro sa bukas (Huwebes, Marso 30)
(San Juan Arena)
2 n.h. – Blackwater Elite vs Erase Plantcenta
4 n.h. – Cagayan vs Big Chill

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply