Robin, BB hindi pa nag-uusap!

INAMIN ni Rustom Padilla sa isang ambush interview na hindi pa niya nakakausap ang kapatid na si Rustom Padilla na ngayon ay BB Gandanghari na, mula nung mag-out ito.

Aminado rin ang action star na hindi niya nagustuhan ang naging desisyon ng utol at ang mga ginagawa nito ngayon sa sarili.

Bukod dito, sinabi rin ni Binoe na tinatawag pa rin niyang Rustom si BB.

Sa exclusive interview naman ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez kay BB sa TV5, sinabi nito na ang kanyang paglaladlad ang pinakamagandang desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay.

Naging masaya at payapa umano siya sa kayang transformation.

Tikom naman si BB sa issue na siya ay nagpa-sex change. Sinabi ni BB na hayaan na siyang ‘wag magsalita sa nasabing isyu dahil kung anuman daw ang nasa pagitan ng kayang legs ay kanyang “own private thing.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply