Rocket ship ng North Korea ginasolinahan na

BAGAMA’T sa susunod na buwan pa nakatakdang ilunsad ang kanilang satellite, ibinunyag ng isang ulat mula sa Japan na sinimulan na ng North Korea ang paglalagay ng gasolina sa kanilang rocket ship.

Ayon sa pahayagan ng Japan, kinumpirma ng diplomatic source na pinaandar na ng North Korea ang rocket sa Tongchang-ri launch pad na nasa northwest ng nasabing bansa.

“The launch is coming closer. The possibility is high that the launch date will be set for April 12 or 13,” pahayag ng nasabing source.

Ang nakababahalang impormasyon ay kasunod lamang ng pagmamatigas ng North Korea na hindi nila kakanselahin ang planong satellite launch sa kabila ng panawagan ni U.S President Barack Obama.

Kanina lamang ay nagdesisyon na rin ang Amerika na huwag nang ituloy pa ang kanilang ipinangakong food aid sa North Korea na nakakaranas ng food shortage ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply