Rodriguez mayor kulong sa illegal logging

KULONG na walang piyansa ang hatol ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa akusadong sina dating Montalban (ngayon ay Rodriguez, Rizal) Mayor Pedro Cuerpo at dating Municipal engineer Aristotle Cruz kaugnay ng kasong illegal logging o paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines.

Matatandaang idinemanda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sina Cuerpo at Cruz noong 2005 dahil sa umano’y iligal na pamumutol ng kahoy na tanguile at lauan na may 4,066 piraso o 28,050 board feet na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Natagpuang nakatambak ang nasabing mga troso sa municipal motorpool ng Montalban.

Ani Carpio-Morales, nagsabwatan sina Cuerpo at Cruz sa paglabag sa batas.

Bukod dito, nang kinukumpiska umano ng mga DENR forest officer at mga pulis ang nasabing mga kahoy kasama na ang mga kagamitang kinabibilangan ng unregistered chainsaw ay lumaban pa ang mga ito.

Wala rin umano silang maipakitang papeles na magpapatunay na ligal ang kanilang transaksyon.

Lalo umanong nadiin si Cuerpo nang makialam ito, sanhi upang hindi makumpiska ng mga DENR forest officer at pulisya ang mga forest product, tools at equipment.

Inamin naman nina Cuerpo at Cruz ang kanilang kasalanan ngunit matapos ang pitong taon ay hindi sila nakulong.

Gayunman, agad itong inaksyunan ni Carpio-Morales ilang buwan lamang matapos siyang maupo bilang Ombudsman.

Wala pang kumento dito si ang DENR o maging si Secretary Ramon Paje ngunit isa siya sa mga nagsulong upang mapabilis ang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply