Roger Yap bagong tirador ng Beermen

LALARO sa San Miguel Beermen ang de-kalibreng shooting guard na si Roger Yap sa pagsabak ng Beermen kontra sa depending champion Chang Thailand Slammers sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Asean Basketball League sa Ynares Sports Arena mamayang gabi.

Tangan ng koponan ni coach Bobby Parks ang 7-3 win-loss record kabilang ang pinakahuling panalo sa Philippine Patriots sa score na 68-66 noong nakaraang Linggo. Sa laro ng Beermen at Patriots ay nagkaroon ng sigalot na nagresulta sa suspensiyon nina import Anthony Johnson at mga local players na sina Erick Rodriguez at Ardy Larong ng Patriots at nina Beermen Aries Dimaunahan at Junjun Cabatu.

Ang depending title holder na Slammers na may 4-6 record ay tatanganan ng bagong coach na si Felton Sealy na humalili kay Raha Mortel.

Kasabay ng banggaan ng Beermen at Slammers ay ang sagupaan ng AirAsia laban sa Indonesian Warriors sa Jakarta, Indonesia.

Nadagdag sa team ng Patriots si ex-PBA ball players Francis Adriano na nakapaglaro sa Sta. Lucia, San Miguel at Red Bull sa PBA.

Una ng tinalo ng Patriots ang Warriors noong Enero 28 sa score na 86-73.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply