Rollback sa LPG ipinatupad ngayon

NAGPATUPAD ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang REGASCO group of comnpany ngayon.

Magbabawas ng P1 kada kilo ng LPG ang REGASCO, isang small player na kasapi ng Liquefied Petroleum Gas Marketing Association  (LPGMA). Sa kabuuan, P11 kada tangke ang ibabawas ng LPG.

Sinabi ni LPGMA Party-list Rep. Arnel Ty, na dapat sa susunod na buwan pa sila magpapatupad ng rollbak pero nagdesisyon ang REGASCO na ipatupad ngayong araw. Inaasahan na susundan pa ito ng ibang miyembro ng LPGMA, bukod pa sa posibleng malaking rollback sa susunod na buwan.

Mula sa $1,350 kada metriko tonelada ng LPG, bumagsak ito ngayon ang contract price nito sa $1,220 dahil tapos na ang winter season. Ibinaba ang presyo ng LPG bunga ng mababang demand sa cooking gas.

Sa pagpasok ng Abril aasahan ang sunud-sunod pang pagbaba sa presyo ng LPG at inaasahang aabutin pa ng Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply