Rollback sa LPG price mamayang hatinggabi

MAMAYANG hatinggabi ay magbababa ng presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang independent petroleum dealers sa bansa.

Ani LPG Marketers Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty, epektibo alas-12:01 ng madaling-araw mamaya ay magtatapyas sila ng P11 sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG, ang pangalawang beses na rollback na kanilang ipinatupad sa loob ng kasalukuyang buwan.

Sa pagbaba ng retail price ng bawat 11-kg LPG tank, ibig sabihin lamang na bababa na sa P764 mula sa kasalukuyang P775 ang presyo ng LPG.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply