RTC Judge nasa bakasyon, hearing ni GMA ‘di sinipot

NAUDLOT ang pagdinig sa hirit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center para makapunta sa Comelec sa Pampanga at makapagpakonsulta sa Makati Medical Center.

Ito ay dahil nasa bakasyon na si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Jesus Mupas.

Ayon sa mga staff, walang katiyakan kung papasok pa si Judge Mupas sa Lunes hanggang Miyerkules Santo (Abril 2-4).

Nitong nakaraang Miyerkules, hiniling ni Gng. Arroyo na payagan siyang makapagpakonsulta sa lalong madaling panahon sa isang cardiologist sa MMC.

Dumadaing is Gng. Arroyo na madalas na naninikip ang kanyang dibdib at tumataas ang presyon ng dugo.

Umapela rin sa korte ang kampo ni Gng. Arroyo na payagan na ang dating Pangulo na makapagpa-biometric sa Comelec sa Lubao Pampanga.

Una rito, itinakda ni Judge Mupas ang pagdinig ng dalawang mosyon ni Gng. Arroyo ngayon araw, pero wala itong ipinatatawag na hearing ngayong araw hanggan sa susunod na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply