Ruling sa kabuuang ebidensya ng prosekusyon inaabangan

INAABANGAN ang magiging kapasyahan ng Senate Impeachment Court sa kabuuang ebidensiya ng Prosecution Panel sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kagabi (Miyerkules, Marso 7) nagsumite ang depensa ng kanilang oposisyon sa mga ebidensya na inihain ng prosekusyon.

Kinontra ng depensa ang mga ebidensyang may kinalaman sa bank records ni Corona.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kung ano ang mga ebidensyang tatanggapin ng impeachment court ay kokontrahin ng depensa sa pagsisimula ng paglalahad ng mga testigo ng huli sa Lunes (Marso 12).

Matatandaang tinanggap ng impeachment court bilang mga ebidensya ang lahat ng dokumentong may kinalaman sa bank records ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply