Rumatrat sa M’cañang reporter kilala na

KILALA na ng awtoridad ang bumaril sa Malacañang reporter na si Fernan Angeles,  bagamat hindi pa nagbigay ng detalye para hindi masunog ang ikinakasa nilang imbestigasyon.

Ito ang kinumpirma kaninang umaga ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr.

“Sa ngayon ay wala muna tayong ilalabas na identity. Tinitingnan pa rin natin ang lahat ng anggulo,” ani Cruz.

Inaalam na rin ng PNP ang ulat na si Angeles, binaril ng anim na beses malapit sa kanyang bahay sa Pasig City nitong Linggo ng gabi ay may standing warrant of arrest na may kaugnayan sa kasong droga.

Sinisilip din ng mga imbestigador na ang motibo sa pag-atake ay personal grudge, pahayag pa ni Cruz.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal pa ring kondsyon si Angeles sa Pasig City General Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply