Sa harap ng anak: Nanay niluray ng tiyuhin

KULONG ang isang tiyuhin nang gahasain ang kanyang sariling pamangkin sa harap ng 1-anyos anak nito sa sa Sarrat, Ilocos Norte.

Sa pahayag ng 19-anyos na biktima na itinago sa pangalang Lina, nakatira siya sa bahay ng kanyang tiyuhin na si Lito Estrelita kung saan nangyari ang panggagahasa sa kanya ng suspek.

Nabatid na habang nakahiga ang biktima ay basta na lang siyang hinawakan ng tiyuhin sa dalawang kamay at pinaghahalikan saka sapilitang ginahasa.

Sa takot ay wala aniya siyang nagawa lalo pa at pinagbantaan sila ng una na papatayin ng kanyang isang taong gulang pa lamang na anak na nakatingin sa kanila.

Matapos ang insidente ay agad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima, ikinaaresto ng kanyang tiyuhin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply