Sa takot na maging nega…. Glaiza de Castro atras kay Claire dela Fuente

KAPAG nalalagay pala sa alanganin ang mother ni Glaiza de Castro na si Mommy Cristy ay nakukuha nitong magsinungaling huwag lang silang mapagbintangan ng kanyang daughter na ingrata. Ganito humigit kumulang ang nangyari, dahil matatapos na ang kontrata ni Glaiza ngayong June sa manager na si Manny Valera, a few months ago ay nakikipag-negotiate na si Mrs. Cristy sa amiga naming talent manager na si Ms. Claire dela Fuente. We still remember na naikuwento na ito before pa sa amin ni Ms. Claire na kapag nagkasarahan na ng deal ay magiging kabilang na sa kanyang mga alaga si Glaiza. Ang kaso, biglang atras ang mag-ina nang makatikim sila ng batikos sa mga kaibigang reporter ni Tito Manny. At sa takot na maging nega at masabihang walang utang na loob sa manager, hayun at ang lakas-lakas nang loob ng Ginang Cristy na ito na pabulaanan ang chikang iiwan na nila si Manny dahil hindi na siya masaya sa pamamalakad nito sa career ng anak. Kaybilis naman nilang maghugas-kamay at ibinibida pa ngayon ng manager nang daughter na nagkakasundo sila kaya wala raw dahilan para iwan nila ito ni Glaiza.

Well, what’s new eh ganyan naman talaga sa showbiz, gamitan at plastikan lang ang labanan sa mundong ito. Saka, in the first place hindi naman kailangan ni Claire ang isang Glaiza de Castro dahil parehong mga blooming ang career ng mga alaga nitong sina Sam Pinto at Bela Padilla. Look n’yo si Bela now, very sensational dahil sa isyung racism sa cover ng young actress sa FHM para sa March issue at pinag-aagawan lang naman ito ng mga sikat na international news program sa buong mundo tulad ng BBC World Tonight, Reuters London at pati CNN ay hindi rin nagpahuli. May interview rin sila sa ‘Woman of the hour’ na si Bela. Uy! hindi intention ni Bela at ng FHM na maka-offend sila dahil sa racial discrimination na konsepto lang naman ng naturang cover kung saan pinaratangan pa sila ng ‘racism.’ Para wala na lang gulo ay pinalitan na ang cover ng alaga ni Ms. Claire sa nasabing sikat na Men’s mag ng bansa.

***

Boy Abunda makikipag-one-on-one sa mayor ng Palawan sa The Bottomline ngayong gabi

PAG-ABOT ng pangarap ng isang pulitiko ang ibabahagi ngayong Sabado (Marso 3) ng The Bottomline with Boy Abunda kung saan tampok ang isa sa pinakabatang mayor ng Pilipinas na si San Vicente, Palawan Mayor Pie Alvarez. Mula sa pagpapalaki ng inang fashion model at amang tubo ng nasabing lugar, kinamulatan na ni Pie ang ganda ng likas na yaman ng Palawan. Ngunit para sa kanyang kinabukasan, nagpunta siya ng Boston, Massachusettes upang mag-aral ng kolehiyo kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na maabot ang pangarap na maging intern sa House of Chanel sa Boston na siyang impluwensya ng ina. Gayunman, nagsimulang magbago ang kapalaran ni Pie nang mahikayat siya ng kaniyang ama na bumalik sa Pilipinas para pasukin ang mundo ng pulitika at tumakbo bilang mayor ng kanilang bayan sa San Vicente. Sa panibagong daang tinahak ni Pie, ano’ng mga hamon ang kinailangan niyang pagdaanan para mapagtagumpayan ang pangarap na lubusang mapaglingkuran ang bayan? Hindi ba niya pinagsisisihan ang pagbitiw sa unang pangarap?

Saan siya dadalhin ng pangarap niyang gawing asensado at progresibong bayan ang San Vicente, Palawan?

Tuklasin ang kuwento ni Pie na Ani ng Dangal 2012 awardee, The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado ng gabi, 11:30 pm, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply