Sabaupan kabado kay Quintero

KAHIT siya ang angat sa kartada, aminado si undefeated southpaw Al “Captain A” Sabaupan na kabado siya sa kanyang IBF lightweight title eliminator laban kay Mexican Marvin “Cachorro” Quintero sa Maynila sa Abril 15.

Bagama’t hindi pa naisasagawa ang purse bid, tiniyak ng kampo ni Sabaupan na matutuloy ang laban.

Si Sabaupan ay mayroong record na 18-0-1 na kasama ang 13 knockouts. Siya ay nagsasanay ngayon sa Baguio City dahil maaari umanong sa Mehikano ikasa ang laban at hindi sa Maynila.

Pinag-aaralan pa kung sa Ynares Sports Center sa Pasig City idaraos ang laban.

Si Sabaupan na kaliwete at parang si Manny Pacquiao kung gumalaw ay pinag-aaralan na rin kung paano gagapin si Quintero na isa ring kaliwete.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply