Sabwatan vs blackout sa Mindanao

MAY SABWATAN diumano ang ilang opisyal ng gobyerno at mga pribadong kompanya para maideklara ang kakapusan ng suplay ng kuryente sa Mindanao.

Ibinunyag ni Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza na nagkasundo umano ang National Economic Development Authority (NEDA) at mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para i-blackmail ang mga konsyumer at maipatupad ng mas mataas ang singil sa kuryente.

Sinabi pa ng kongresista na plano ng mga opisyal ng NEDA, NGC at National Power Corporations (Napocor) na ibenta ang nalalabing apat na power barges para umasa ang publiko sa suplay ng kuryente na isinusuplay ng mga pribadong kumpanya.

Nilinaw pa ni Mendoza na walang katotohanan ang report ng NGCP na may nagaganap na power shortage sa Mindanao na posibleng lumala pa sa mga susunod na araw.

Aniya, umaabot lang sa 45-megawatts ang kulang sa suplay ng kuryente sa buong rehiyon dahil kasalukuyang sumasailalim sa preventive maintenance ang Agus-Pulangui plants.

Kinukwestyon ng mambabatas kung bakit kailangang isagawa ang maintenance sa panahon ng tag-init kung kailan mababa ang lebel ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply