Sakdal vs Mikey Arroyo, misis muling kinansela

MULI na namang naantala ang arraignment sana sa kasong tax evasion kina partylist Rep. Mike Arroyo at misis na si Angela.

Ito ay makaraang hilingin ng mag-asawang Arroyo sa sala ni QC-RTC Branch 100 Presiding Judge Marie Christine Jacob na ikansela muna ang pagbasa ng sakdal dahil nakabinbin pa ang kanilang petition for review sa Department of Justice.

Itinakda naman ng korte ang susunod na court proceedings sa April 19.

Ang kaso ng mag-asawa ay nag-ugat sa hindi nila pagbabayad ng tamang buwis na umaabot sa P73.85 million simula 2004 hanggang 2009.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply