Sakripisyo ng mga magulang at anak

AYON sa Biblia, isa sa mga pinakamabigat na pagsubok na ibinigay ng Diyos ay nang iutos niya kay Abraham na ialay niya ang buhay ng kanyang anak na si Isaac.

Ang bigat ng pagsubok na ang isang ama ay papatay sa sariling anak dahil ipinag-utos ito ng kanyang Panginoon. At ganoon din ang anak. Bakit ako ang dapat ialay? Bakit buhay ko pa? Ngunit sinunod pa rin ng mag-ama ang iniutos ng Panginoon.

Ngunit ang Diyos ay Diyos ng buhay at bago pa maisagawa ang pag-aalay ay tinawag muli ng Diyos si Abraham at sinabi na isa lamang itong pagsubok sa kanyang katapangan.

Ubod ng bigat ang pagsubok kay Abraham. Marahil sa ating mga ordinaryong tao ay mahihirapan tayong sundin ang ganoong utos.

Hindi dahil gusto nating sumaway sa kagustuhan ng Diyos kung hindi mahal natin ang mga anak at aapela tayo na ‘Diyos ko huwag po ang aking anak, buhay ko nalang.’

Ngunit may mga pagsubok din na hinihingi ang paghihiwalay ng magulang sa anak. ‘Di hamak na mas madaling dalhin ito lalo na ngayon ng kahit malayo sa isa’t isa ay nailalapit ng teknolohiya.

Naisip ko ito dahil sa ang isang kaibigan ay naganap na ngayong pari at na-ordain
na.

Masaya siya at ang kanyang mga magulang ngunit simula na rin ito ng paglayo ng anak para harapin ang hamon ng pagkapari, kahit pa mapunta siya sa malalayong lugar upang ikalat ang mabuting balita ng Diyos.

Masasabing isa rin itong pag-aalay ng buhay. Tumawag ang Diyos sa magulang at iniutos na ialay ang anak na magsilbi para sa kanya at sa simbahan.

May isa ring kwentong nais kong ibahagi sa inyo. Maraming taon ang nakalipas at isang anak ang tinawag ng Panginoon na magpari. Napakalapit niya sa kanyang mga magulang nang maging pari at nadestino siya sa Africa.

Fiteen years siyang nahiwalay sa kanyang mga magulang. Alam ko kung gaano ang tiniis ng magulang at anak nang malayo sa isa’t isa pero tiniis nila ito para sa mas mataas na hangarin at yun ay ang magsilbi sa Diyos.

Ngunit katulad din  ng  kwento ni Abraham, alam ng Diyos ang pangungulila ng anak at magulang sa isa’t isa. Matapos ang mahabang panahon na mahiwalay sa isa’t isa ay naging Obispo ang anak at sa mismong bayan nila siya nadestino. Ngayon ay araw-araw nang nagkikita silang mag-ina. Napakabuti ng Diyos.

Mga reader, may mga pagsubok ba na ganito sa inyong buhay? Anak na magpari o madre o kaya pastor o misyonaryo? Kung meron man, nawa’y maging isang inspirasyon ang kwento ni Abraham at ng Obispo sa buhay niyo.

***

Belated Happy Birthday kay kaibigang Willy Esguerra ng San Isidro Galas at Chel Caralde ng Sto. Niño. God Bless.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply