Salary hike ng mga manggagawa iginiit

SA HULING araw ng sesyon ng Kongreso, nagpiket ang may 200 manggagawa sa harap ng South Gate ng Batasan Complex upang ipagsigawan ang panawagan sa mga mambabatas maging sa administrasyong Aquino na ipasa ang panukalang dagdagan ang sahod ng mga obrero.

Mula sa harap ng Quezon City Polytechnic University ay sama-samang naglakad ang mga manggagawa upang magpiket sa Batasan at isulong ang agarang pagpapasa sa House Bill 375 o P125 Wage Hike Bill.

Nauna rito, tiniyak ni Northern Samar Rep. Emil Ong, chairman ng House Labor Committee na napipinto nang ipasa ng komite ang nasabing panukala na pangunahing inakda ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Ang nasabing HB 375 ay naglalayong isabatas ang P125 across-the-board na dagdag-sahod sa buong bansa.

Malaki ang paniwala ni Mariano na kapag naisabatas ito ay magdudulot ito ng malaking ginhawa sa mga obrero lalo pa’t sa araw na ito ay itinaas na ang pamasahe na mula sa P8 ay naging P8.50 na ito.

Samantala, itinuturing ni Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus na pagbalewala sa mahihirap at manggagawa ang pagtanggi ng Malakanyang na maitaas ang sahod ng mga obrero.

“Siyam na beses nang tumaas ang presyo ng langis at hindi ito pinipigilan ng gobyerno dahil nalulugi daw ang mga kumpanya ng langis. Humihingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa at pinipigilan ito gobyerno dahil malulugi raw ang mga kumpanya. Nakikita ang lugi daw ng mga kumpanya pero hindi ang bagsak na kabuhayan ng mga manggagawang lumilikha ng tubo para sa mga kumpanya,” ani De Jesus .(meliza maluntag)

Samantala, naninidigan din ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ito na ang tamang panahon para ibigay ang P90 umento sa sahod.

Ang apela ng TUCP ay matapos ipatupad ngayong araw ang 50 sentimos na provisional increase sa pasahe sa mga pampublikong dyip.

Giit ng TUCP, dapat nang aprubahan ang hirit nilang salary increase para sa mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga produktong petrolyo.

Binigyang diin pa ng TUCP na dapat madaliin din ng wage board ang konsultasyon at public hearing upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng pasahe at presyo ng krudo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply