Saleslady na walang pambili ng gamot nagbigti

LABIS na depresyon at problema sa pambili ng gamot ang nagtulak sa isang saleslady para tapusin ang kanyang buhay matapos magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Port Area, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Sarah Pilot, 22, saleslady ng 168 mall at residente ng 11th St. Port Area, Maynila.

Ayon kay PO2 Milbert Balinggan, alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang kasama sa bahay na si Rhea Sinenggayan na nakabigti sa kisame.

Nabatid na namomroblema ang biktima ng pambili ng gamot sa kanyang hindi pa mabatid na karamdaman kaya hinihinalang ito ang nagtulak sa biktima para magpakamatay.

Huli namang nakitang buhay si Pilot kagabi dakong 11:00 ng gabi habang nanonood ng pelikula sa DVD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply