Sali na sa B.A.O.M.

ANG Buy As One Movement o BAOM ay isang programa ng partylist group na 1-UTAK, kung saan miyembro ang ating samahang TRANSPORTER.

Ang BAOM ay naglalayong pataasin ang antas ng kabuhayan ng mga kasapi ng sektor ng transportasyon at gayundin ay labanan ang di makatarungang pang-aabuso ng mga negosyo sa pamamagitan ng pag-o-overpricing.

Kaya ang BAOM ay isang porma ng tinatawag na “economic activism.”

Aktibismo pa rin, mga ‘tol, ngunit sa pagkakataong ito ay naghahangad ng resultang malapit sa bituka.

Sa programang ito ay ibababa ng mga negosyante ang presyo ng kanilang mga produkto (siyempre, pipili tayo ng mga produktong madalas bilhin ng mga tsuper at opereytor) dahil maramihan ang ating bibilhin bilang isang kolektibo.

Ang lohikal na resulta ay mas mababang gastos.

Makaiipon pa ng pera na maaaring gamitin sa pagbili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa bahay.

Kaya’t hinihikayat natin ang lahat ng mga tsuper at opereytor na lumahok na sa adbokasiyang ito. Paano?

Ang sinomang tsuper o opereytor na kasapi ng mga lokal na samahan ng traysikel, dyipni, pedicab, FX/AUV, taxi, bus at iba pa ay maaaring sumapi sa Buy As One Movement.

Ang gagawin lamang, mga ‘tol, ay magbuo ng isang grupong may minimum na 15-25 kasapi sa bawat lokal na samahan. Ang bawat isa ay kailangang magparehistro bilang miyembro ng TRANSPORTER/1-UTAK.

Ang grupong ito sa barangay, distrito, munisipalidad at siyudad ay awtomatikong magiging sangay o branch ng Pinoy Transporters and Commuters Cooperative (PTCC).

Walang babayarang saping-puhunan o membership fee.

Bilang kasapi, tungkulin niya ang aktibong lumahok sa panawagan ng TRANSPORTER/1-UTAK na tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng mga kompanyang ihahayag ng liderato.

Ang produkto o serbisyong tatangkilikin ay titiyaking yaong mga nagmamalasakit sa sektor ng transportasyon.

Siyempre pa, kailangang suportado ang mga ito ng TRANSPORTER/1-UTAK.

Ang bawat miyembro ay kailangan ding maging aktibo sa paglahok sa panawagang i-boykot ang mga produkto o serbisyo o kompanya na nagsasamantala sa mga tsuper, opereytor at konsyumer

Kung sumasang-ayon ka sa mga nakasulat sa itaas, welcome kang kasapi, ‘tol.Gumagalang

Mr. Surplasan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply