Salvage victim natagpuan sa South Cotobato

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae na hinihinalang sinalvage, sa masukal na damuhang malapit sa national highway sa Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato, kaninang umaga.

Ang hindi nakilalang biktima, na inilarawang nasa edad 18-20 taong gulang, nakasuot ng maong pants at puting t-shirt, ay natagpuang may saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay pero hinihinalang may kinalaman ang krimen sa lumalalang awayan ng mga fraternity sa lugar.

Ayon kay P03 Cesar Barsalina, ng Polomolok PNP, natagpuan ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga sa nasabing lugar.

Bago ito, may tumawag kay Barsalina na isang concerned citizen at sinabing mayroong silang natagpuang bangkay ng babae sa lugar.

Agad naman rumesponde si duty investigator PO2 Malayo kasama ang duty alert team sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply