Sama ng panahon namataan east GenSan

ISANG shallow low pressure area (SLPA) ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical ang Astronomical Service Administration (PAGASA)  matapos mamataan sa bahagi ng Mindanao kanina.

Ayon sa Pagasa, namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 810 kilometro sa silangan timog silangan ng General Santos City (5.0°N, 133.0°E).

Sinabi pa ng Pagasa na bagama’t maliit ang posibilidad na maging malakas na bagyo ang namataang sama ng panahon, posible pa rin itong makaapekto sa mga naninirahan sa silangang bahagi ng Mindanao sa mga susunod na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply