Sama ng panahon namataan sa Palawan

ISANG Low Pressure Area (LPA) o sama ng panahon ang namataan sa bahagi ng Puerto Princesa City sa Palawan kaninang madaling-araw ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, namataan ang sama ng panahon sa layong 360 kilometro ng Hilaga-kanluran sa Puerto Princesa City, Palawan dakong 2:00 ng madaling-araw kanina.

Sinabi pa ng Pagasa na dahil sa namataang LPA, nakaaapekto ito sa bahagi ng Hilaga at

Central Luzon na nagbibigay ng manaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng rehiyon.

Nabatid pa sa Pagasa na dahil na rin sa namataang low pressure area, makararanas ang ilang bahagi ng Cavite, Batangas, Laguna at Quezon at Metro Manila ng manaka-nakang

pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply