Samahan ng mga madre nakiisa sa transport caravan

NAKIISA rin Association of Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP), ang samahan ng mga madre sa bansa, sa isinagawang transport caravan ng PISTON ngayong araw.

Ang caravan ay isinagawa ng iba’t ibang sektor laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ayon kay AMRSP Chairperson Sister Mary John Mananzan, hindi na makatarungan ang ginagawa sa taumbayan ng mga oil company lalo pa’t napakataas na rin ng halaga ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo sa bansa.

Hindi na aniya ito makayanan ng mga mamamayan lalo na’t hindi naman nagtataas ang kanilang suweldo.

Nanawagan din si Mananzan sa pamahalaan na alisin na ang 12% value added tax (VAT) sa langis na aniya’y lalong nagpapahirap sa buhay ng taumbayan.

“Siyempre nakikiisa kami sa panawagan ng taumbayan at ng mga militanteng grupo sa magsagawa ng mga pagkilos para labanan itong pananamantala sa atin ng malalaking kumpanya ng langis,” ayon kay Mananzan sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply