‘Sampung utos’ vs illegal recruiters inilabas

NAGPALABAS na ang pamahalaan ng ‘sampung kautusan’ upang hindi mabiktima ng mga illegal recruiter ang mga bagong ‘college gruaduate’ at mga magsisipaghanap ng trabaho sa ibayong dagat.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nararapat lamang na masandatahan ang manggagawang Pilipino ng sapat na kaalaman at impormasyon kaugnay sa mga taktika at ‘modus operandi’ ng mga mapagsamantalang illegal recruitment agency at sindikato sa human trafficking.

Sa inilatag na talaan ng mga dapat gawin upang hindi mabiktima ng illegal recruiters ay makikita sa website ng Philippine Overseas Employment Administration na www.poea.gov.ph.

Nangunguna sa listahan ang pagtitityak na may lisensiya mula sa POEA ang mga aaplayang recruitment agency; Ikalawa ay huwag makipag-transaksyon sa mga lisensiyadong ahensya kung walang ibibigay na job orders; ikatlo ay huwag na huwag makikipag-usap sa mga personalidad na hindi naman awtorisadong kinatawan ng inaaplayang recruitment agency;

Ikaapat ay huwag makipag-transaksyon sa labas ng opisina ng recruitment agency.
Kung ang pangalan ng mga empleyado ay ginagawa sa mga lalawigan, tiyakin na may karapatan ito na kumuha ng mga empleyado mula sa punong tanggapan ng ahensiya;

Ikalima ay magbayad ng sapat na naayon sa placement fee. Ang placement fee ay dapat katumbas ng isang buwang sweldo, hindi pa kasama ang gastusin sa pagproseso ng mga dokumento; Ikaanim ay huwag magbayad ng placement fee kung walang balidong employment contract at opisyal na resibo;

Ikapito ay ang huwag maengganyo sa mga inilalabas na patalastas o ibinibigay na polyetos kung saan maaari lamang magsumite ng aplikasyo at magbayad sa pamamagitan ng Post Office Box (PO Box) number; Ikawala ay huwag makipag-transaksyon sa mga tinatawag na training centers at travel agencies na nangangako ng trabaho sa ibang bansa;

Ikasiyam ay huwag tumanggap ng tourist visa bilang garantiya na makaalis ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa ibang bansa; at ang Ikasampu ay huwag makipag-ugnayan sa mga ‘fixer’ o tagalagay ng mga dokumento.

Ayon pa kay Baldoz, ang pagsunod sa ‘sampung utos’ ay magbibigay sa mga mangagawang Pilipino ng tiyak at disenteng hanapbuhay sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply