Sana ay pamarisan ang Intensity Spa

ANG Lily’s Files Column natin ay hindi lang bumabatikos o pumupuna sa kamalian  o pagkukulang ng isang tao o kompanya, pumupuri rin ito sa mga tao o kompanya man na may magandang  nagawa o serbisyo sa kanyang kapuwa.

Katulad nitong Intensity SPA na nasa 1196 E. Rodriguez Sr. Avenue, New Manila, Quezon City, na bukod sa katapatan ng mga empleyado ay magaling pa ang serbisyo.

Isang text message ang tinanggap ng inyong lingkod mula sa cellphone # na 09087230036 at dito ay idinetalye kung papano naging tapat sa kanilang mga customer ang mga empleyado ng Intensity SPA na pag-aari ng isang Wilbert Tolentino.

Ayon sa mensahe na nakarating sa Lily’s Files, minsan daw siyang nagpaserbisyo sa nasabing SPA at dahil sa ganda ng serbisyo ng mga attendant dito ay  nakatulog siya hanggang sa gisingin na lang siya ng attendant at sinabing tapos na ang serbisyo.

Agad itong nagbihis at nakangiting bumaba at sumakay sa kanyang sasakyan na hindi namalayan na may dala siyang bag noong pumasok sa nasabing SPA.

Pagdating  ng bahay  ay doon lang nito napansin na ang kanyang  dalang bag  ay nawawala  at hindi nito malaman kung saan naiwan.

Nagbakasakali itong bumalik at magtanong sa nasabing  SPA at laking tuwa nito nang sabihin sa kanya ng babae sa front desk na naroon ang nasabing gamit.

Agad na binuksan ang bag at namangha pa ang ating texter nang makita ang  kanyang bagong biling Ipod at perang nagkakahalaga ng P75,000 na walang labis walang kulang.

Sana ay pamarisan ng ibang  SPA o kompanya ang ginawa ninyong katapatan.

Mabuhay po kayo riyan sa Intensity SPA lalo na sa may-ari nitong si Wilbert Tolentino, at saludo ako sa ginawa ninyong katapatan.

Ang Intensity SPA na  nagsimula lamang noong nakalipas na buwan ng Pebrero, 2012 ay nagbibigay ng mga serbisyong tulad ng  Deep Tissue Massage; Intense Combination Massage (Swedish/ Shiatsu/thai); Zesty Herbal massage; Dead Sea Salt Body Scrub; Coffee Body Scrub; Hot Stone Massage; Ion Detox; Ear Candling at Body Wash.

Tumatanggap din ang Intesity SPA ng home at hotel service tumawag lang sa tel no. 3790836 o sa cp # 09185803100 para sa Smart at 09063774449 para naman sa Globe.

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lamang po sa 09062653394 o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply