Sanggol iniwan sa LRT

INIWAN ang isang sanggol na lalaki ng kanyang nanay sa ilalim ng Betty-Go Belmonte Station ng Light Rail Transit (LRT) 2 sa Quezon City.

Nabatid na narinig ng isang grupo ng magkakaibigan ang iyak ng sanggol na tinatayang nasa apat na buwang gulang kung kaya’t kanila itong hinanap at nilapitan na nakabalot ng lampin at may katabing bote ng gatas na panis na.

Masuwerte namang may dumaan na isang mobile ng pulis kaya agad nadala sa doktor ng Kampo Krame ang sanggol na nanginginig sa lamig at mayroong sipon at ubo.

Matapos ang check-up, agad namang binihisan ng damit ang sanggol at binigyan ng bagong gatas bago ibinigay sa mga social worker sa lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply