Sasakyan ng barangay chairman na-carjack sa QC

TINANGAY ng mga hinihinalang kardyaker ang sasakyan ng isang barangay chairman ng Makati City sa Timog Avenue, Quezon City kaninang madaling araw.

Nabatid kay PO3 Dennis Telan ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit, nagharap ng reklamo ang complainant ang chairman ng Barangay Magallanes na si Armando Padilla matapos matangay ang kanyang kulay asul na Toyota Fortuner (ZHY-483).

Batay sa ulat ng QCPD-DACU, ipinarada ng complainant ang kanyang sasakyan sa bahagi ng Timog Avenue, QC dakong 12:20 ng madaling araw kanina para bumili ng pandesal nang biglang may sumakay na lalaki at tinangay ang sasakyan niya.

Sinabi ng complainant, na hindi umano niya pinatay ang makina ng sasakyan dahil nakasakay naman ang kasama niyang babae subalit pati ito ay tinangay ng suspek.

Nabatid na pinababa na lamang sa bahagi ng Kamuning, QC ang kasamang babae ng complainant subalit hindi naman ito sinaktan.

Ayon pa sa ulat sinasabing may nakasunod na pulang kotse ang tinangay na Fortuner na hinihinalang nakasakay ang iba pang suspek.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga tauhan ng QC police Anti Carnapping Unit para matukoy ang mga responsable sa naturang carjacking.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply