Sawa na sa Mhin kaya lengua na?

NGAYONG Holy Week super-bonding si Lovi Poe sa mga co-stars niya lalo na sina Alessandra de Rossi at Heart Evangelista. Sila nga ang magkakasama na mag-i-spend ng Holy Week.

“Oo yeah, nag-iisip kami ni Alex tsaka ni Heart na umalis.”

Tinanong din kay Lovi ang eksenang tomboyan sa bago nilang movie ni Jennylyn Mercado na gagawin sa Regal. Papayag ba siya if ever sa mga daring scenes sa kapwa niya artistang babae?

“Ah really? Hindi pa po namin napag-uusapan but then let’s see. Another new thing, I’m game for anything.

“Kasi, when it comes to acting naman, it’s like… people are smart enough naman to know it’s for the movie, it’s work.

“I think it’s time na rin na we evolve into new things like in Legacy ang daming pinapalabas ngayon na ngayon lang pinapakita sa teleserye.

“Na so far I mean iyon ang napansin ko, it’s nice to do that kasi if you always have limitations, where’s the fun in that, di ba? What’s new pag paulit-ulit na lang?”

Ano ang mas gusto niya, siya yung girl or siya ang tomboy?

“I’d love to do… kahit ano e, kahit ano sa akin. Pag natsa- challenge ako, mas masaya pag natsa-challenge ako.”

So kung siya ang tomboy ang role, okay lang?

“Okay lang.”

Ready na ba siyang makipaglaplapan sa babae din?

“E kasi sa Legacy may eksena na si Alex kiniss ko.”

Pero hindi torrid. Kapag torrid kissing scene, papayag ba siya?

“You know it’s hard for me to say but if iyon naman ang papagawa sa akin… ewan ko bahala na.”

‘Yun na!

-0o0-

SAAN ngayong Holy Week ang Tween Star na si Ken Chan na nakilala sa commercial ng Nescafe na may pamosong kantang Good morning sa inyo.

“Tuwing Holy week po kasi hindi po ako masyadong naglalalabas ng bahay. Naturo po kasi sa amin ‘yun ng magulang po namin kaya nagpe-prepare na lang po kami ng simpleng handaan at salu-salo para sa buong pamilya. Pero this coming Holy Week po, naka-schedule po akong pumunta ng Boracay.”

“Nag-invite po kasi ang mga katrabaho ko sa industriya roon. Natuwa naman po ako nung pinayagan ako ng magulang ko po.

“Makakasama ko rin po rito si Mama. Excited na rin po ako. Hehehe! Tsaka sigurado sa Boracay po makapagpapahinga at relax po ako nang maayos. Gagawin ko rin pong mag-reflect dun,” sey niya.

After Holy Week ay magso-shoot na siya ng pelikulang “Just One Summer” under Direk Mac Alejandre.

Gaganap siya bilang si Kiel na kaibigan ni Elmo Magalona.

Kabilang din si Ken bilang isa sa mga tween stars ng GMA7. Kasali siya sa Biritera, Walang Tulugan With The Master Showman at Reel Love Presents Tween Hearts.

Talbog!

-0o0-

MALAPIT nang magsimula ang pinakabagong de-kalibreng teleseryeng kukumpleto sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, ang “Kung Ako’y Iiwan Mo” na pagbibidahan nina Jake Cuenca, Bangs Garcia at Shaina Magdayao.

Tuklasin ang mapangahas na kwento ng pagbuo ng pangarap na susubok sa tatag ng pagkatao, pagmamahal sa pamilya at pag-iibigan nina Paul (Jake) at Sarah (Shaina) dahil sa paghahadlang ni Mia (Bangs).

Sa limang araw na unang episodes nito, ang sarap-sarap panoorin sa hapon ang dalawang magaling na actor na sina Philip Salvador at Christopher de Leon. Naiyak kami sa death scene. Natutuwa naman kami at naiinis sa walang humpay na pagiging ‘ampalaya’ ni Gloria Diaz kay Sandy Andolong. First week pa lang, matindi na ang pasabog sa seryeng ito.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng kuwento ngayong April 16 (Lunes) pagkatapos ng Mundo Man Ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply