SBAC binuo ng Comelec para sa 2013 elections

BINUO ng Commission on Elections (Comelec ang special bids and awards committee (SBAC) para sa automation project ng 2013 midterm elections.

Pamumunuan ang naturang komite ni Helen Aguila-Flores, deputy executive director for administration ng Comelec habang si Atty. Jubil Surmieda, Comelec-National Capital Region director, ang magsisilbing vice chairman.

Itinalaga namang mga miyembro ng komite sina Eden Bolo, Norma Galutera at Atty. John Rex Laudianco, pawang kasapi ng information technology, finance services and law departments ng poll body.

Tungkulin ng SBAC na magsagawa ng bidding para sa automated election technology at mga kahalintulad na serbisyo na gagamitin sa eleksiyon sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply