SC may take advantage of the Holy Week recess

SANA naman ay huwag mangyari ito, subali’t dahil sa mahabang Holy Week at congressional recess ay biglang mag-decision ang Supreme Court na unconstitutional ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Buhat nang mag-umpisa ang impeachment trial ay walang ginawa ang depensa kung hindi ipagpilitan na illigal ang impeachment ni Corona.

Sa katunayan, parang Sword of Damocles ito na laging nakaamba sa Senado.

Nakahain ang petition ng depensa na sinasabing unconstitutional ang impeachment.

Baka habang hindi tayo nakatingin o habang tayo ay nagdarasal na sana ay matapos na ang trial ni Corona sa Senado at mahatulan na ang punong mahistrado ay biglang magpalabas ng desisyon ang SC na sinasabing unconstitutional nga ang impeachment niya.

May dahilan kung bakit tayo ay dapat mangamba.

Buhat nang mag-umpisa ang trial ni Corona ay puro pabor na kay Corona ang mga desisyon ng SC na pinamumunuan ng kung sino pa ba kundi si Corona mismo.

Kung ganoon ang mangyayari, ano ang gagawin ng Senado?

Siguro, sasabihin ni Senadora Miriam Defensor Santiago, eh di wala. Waaa! Nagsalita na ang SC; dapat lahat tayo ay sumunod, baka sabihin niya iyan.

Ang nakatatakot ay kung pumayag si Senate President and impeachement trial presiding officer Juan Ponce Enrile sa desisyon ng SC kung maging totoo ito.

“Moot and academic na ang impeachment trial,” baka sabihin ni Enrile.

Magbubunyi kaya si Senador Manny Villar? Magbubunyi kaya si Senador Joker Arroyo? Si Senadora Loren Legarda? At si Senador Jinggoy Estrada? Ganoon din kaya sina Senador Chiz Escudero at si Bongbong Marcos?

Ano kaya ang gagawin ng taumbayan kapag na-declare ng Supreme Court na unconstitutional ang impeachment ni Supreme Court chief Corona?

Malaking gulo yan sapagkat sa aking fearless hula, thousands of Iglesia ni Cristo followers ang malamang na pumunta sa harap ng building ng Supreme Court para hindi makapag-rally ang mga anti-Corona.

Kawawa naman ang bayan. Pero may tanong si ex-SC justice Serafin Quevas sa harap ng impeachment court: Sino ba ang bayan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply