Schedule ng biyahe ng LRTA sa Semana Santa inilabas na

SARADO mula Abril 4, Miyerkules Santo ng alas-8:00 ng gabi hanggang sa Abril 8, Easter Sunday ang LRT Line 1 na may rutang Baclaran, Pasay City – Roosevelt, Quezon City at Line 2 na may biyaheng Recto, Manila hanggang Santolan, Pasig City.

Ito ay base sa inilabas na schedule ng biyahe ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa Holy Week at para na rin sa nakagawiang taunang maintenance sa mga tren at lahat ng pasilidad ng LRT.

Babalik ang normal na operasyon ng LRT Line 1 at 2 sa Abril 9, Lunes ng 5:00 ng madaling-araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply