Seaman, napagkamalang kapitan, utas sa boga

PATAY ang isang seaman matapos barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki makaraang mapagkamalang kapitan na siyang target talaga ng huli kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Benito Evangelista Jr, 39, tubong Zambales.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas 8:30 kaninang umaga nang maganap ang insidente.

Sinasabing dumalaw lamang ang biktima sa kanyang kapatid na nakatira sa Sampaloc, dahil kabababa lamang nito mula sa barko.

Kasama ang asawa at anak ay nakatakda na sanang pauwi ng probinsya si Evangelista nang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa mukha agad nitong ikinamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon na napagkamalang chairman ang biktima na siyang target talaga ng suspek.

Ang sinasabing chairman ng hindi pa batid na barangay ay kamukha umano ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply