Security ng vice mayor may death threat

DAGUPAN CITY-Pinaputukan ng dalawang ‘di pa nakilalang kalalakihan ang isang kotse na napagkamalan nilang pagmamay-ari ng isang security staff ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez.

Ayon sa police report, tinamaan ng anim na bala ang sasakyan ng kapitbahay ni Michael “Bugoy” Hernando.

Nalaman lang ni Hernando ang target ng mga suspek dahil sa iniwang mensahe na nagsasaad ng “bilang na ang araw mo, Bugoy.”

Si Hernando na naglingkod kay dating Dagupan City Mayor Alipio Fernandez ay kinuha kamakailan ni Vice Mayor Hernandez bilang isa sa kanyang mga security.

Hindi maisip ni Hernando kung sino ang maaaring may galit sa kanya, subalit idiniin niya na ngayon lang siya nagkaroon ng death threat, ngayong kasama na siya sa staff ng bise alkalde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply