Security plan sa libing ni Cong. Iggy inaayos na

NAGHAHANDA ang Manila Police District para sa security plans sa libing ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa Manila North Cemetery sa Biyernes (Marso 9).

Tiniyak ni MPD Dir. C/Supt. Alex Gutierrez na hihigpitan nila ang seguridad sa loob at labas ng naturang sementeryo.

Nais din ng MPD na humingi ng karagdagang tauhan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dahil sa posibleng pagdalo ng maraming VIPs sa funeral procession bago ang libing.

Samanatala, pinayagan naman ng Pasay City Regional Trial Court si dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makadalo sa misa na isasagawa sa La Vista subdivision sa Quezon City, bago ilibing ang bayaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply