Seguridad sa mga terminal siniguro na

NGAYON pa lamang ay nakalatag na ang siguradong seguridad sa mga bus terminal para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa paggunita sa Semana Santa.

Unang tinutukan ng awtoridad ang mga bus station at terminal sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Nakipagpulong na si Bus Station Manager Ramon Legaspi sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa paglalatag ng seguridad at ayuda sa kanilang mga pasahero.

Inaasahang sa susunod na linggo ay bubuhos na ang mga pasahero na pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Payo naman sa mga pasahero na hangga’t maaga ay magpareserba na ng ticket para di magahol sa oras ng kanilang biyahe.

Tuloy naman sa seminar ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver ng bus na bibiyahe sa Mahal na Araw.

Sa seminar ay itinuturo sa bus drivers ang mabuting pag-uugali para hindi malagay sa alanganin ang buhay ng kanilang mga pasahero.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply