Senado balik-paglilitis kay Corona

NAKATAKDANG ipagpatuloy ng Senado bilang impeachment court ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona mamayang alas-dos ng hapon at pormal na ihahayag ang pagbabasura sa mosyon ng defense panel na huwag payagan bilang ebidensiya ang bank records sa Philippine Savings Bank.

Noong nakaraang Martes, inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na nagkasundo ang Senado na ibasura ang mosyon ng defense panel at payagan na maging ebidensiya ang peso bank record ni Corona na siyang mahigpit na tinutulan naman ni former Associate Justice Serafin Cuevas.

Inihayag ni Enrile sa isang press briefing matapos ang isang caucus ng mga senador na ibinabasura ang motion ni Corona na purgahin ang bank records bilang ebidensiya dahil illegal na nakuha ang mga kopya nito.

“As far as the evidence on bank records presented by the prosecution … (these) are accepted,” ayon kay Enrile. “So (we) have accepted the formal offer of evidence submitted by the prosecution panel.”

Sa ika-27 araw ng paglilitis, nakatakdang magdesisyon din ang Senado sa inihaing mosyon ng depensa na ikonsidera ang kanilang naunang petisyon na ibasura ang ebidensiya at testimonya hinggil sa bank records ni Corona.

“From either  point of view, allowing the evidence will lead to dangerous precedents, leaving impeached public officers unprotected against unreasonable searches and seizures and invasion of privacy in violation of the Bill of Rights,” katuwiran ni Cuevas.

Nakatkadang simulan ng depensa ni Corona ang paglalahad ng testigo at ebidensiya laban sa akusasyon ng House prosecution panel kabilang ang asawa ng punong mahistrado, si Cristina, ang nakatakdang tumestigo.

Bukod kay Corona, inaasahan din sa depensa na patetestiguhin din sina Cavite Rep. Crispin Remulla, Navotas Rep. Tobby Tiangco at Batangas Rep. Hermilando Mandamas laban sa impeachment complaint na hindi naman naberipika sa lahat ng miyembro ng Kamara de Representante.

Sinabi ni Enrile na tatanggapin ng Senado ang testimonya ng nabanggit na mga mambabatas at depende na lamang sa senator-judges kung tatanggapin naman nila ang mga ito bilang saksi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply