Senado walang pasok sa April 2 – 4

TULUYAN nang ideneklara ni Senate President Juan Ponce Enrile na walang pasok sa Senado mula Abril 2 hanggang 4, ayon kay Atty. Maria Lirio Reyes, Senate secretary.

“As approved by Senate President Juan Ponce Enrile, all Senate officials and employees are not required to report for work on April 2 to 4, 2012, Monday to Wednesday.”

Aniya, wala ring empleyado ang maaaring mag-overtime sa nasabing period maliban sa mga nagtatrabaho sa Office of the Sergeant-At-Arms at maintenance and general service bureau.

Magbubukas ang tanggapan ng Senado sa Abril 10, 2012.

Nauna nang ideklara ng Palasyo sa Presidential Proclamation No. 295 na non-working holiday sa April 5 (Maundy Thursday), 6 (Good Friday) at 9 (Araw ng Kagitingan).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply