Senador astang pangulo ng Pinas

SOBRANG lupit ng inaasta ng isang senador na ito dahil tinalo pa niya ang isang pangulo ng Pilipinas sa sobrang dami ng taong dapat na sumalubong sa kanyang pagbaba sa kanyang lumang mamahaling sasakyan.

Nagulat si matang kuwago ng Remate sa kanyang nasaksihan dahil nag-aabang sa kanyang pagbaba sa sasakyan maging ang isang direktor, ang kanyang chief of staff na isang kilalang abogado, isang officer din ng Senado at dalawang empleyado nito.

O di ba sobrang lupit ng mambabatas na ito?

Pero ang katotohanan, isa siya sa pinakamabigat sa Senado, patunay ang kanyang pambabraso sa impeachment court kapalit ng pagpapalabas ng dagliang desisyon ng mga ito sa mosyon ng prosecution.

Heto pa ang matindi, hindi lang pala sa pagdating dapat salubungin ang senador na ito kundi kailangan din siyang ihatid hanggang sa kanyang sasakyan sa kanyang pag-uwi.

Ano ka baby o biik na dapat na ipaghele para makatulog?

Take note: Dapat pagbaba na pagbaba sa kotse ng senador na ito ay hindi siya maghihintay nang matagal para makasakay sa elevator para agad na makapunta sa kanyang kuwarto para matulog.

Isa pa: Ang kuwartong kanyang tulugan ay hindi mismo ang kanyang opisina kundi hiwalay ito na matatagpuan din sa ika-limang palapag kaya kaawa-awa ang katabing kuwarto ng ibang senador dahil bawal mag-ingay lalo na  kapag doon siya natutulog.

Gusto na ba ninyo ng isang malupit na clue?

Bago matapos ang termino ng senador na ito, tiyak kong hinding-hindi magagalaw ang kanyang mga bata sa kani-kanilang puwesto.

May letrang K sa kabuuan ng kanyang pangalan as in kawawa ang kanyang media relation officer dahil sa kanyang kayabangan at kakuriputan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply