Senador ‘di papaimpluwensiya sa hatol kay Corona

NANINIWALA si Senador Gregorio Honasan na hindi magpapagapang ang mga kapwa senador sa mga magtatangkang mang-impluwensiya sa kanilang igagawad na hatol kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Honasan, hindi mawawala ang gapangan lalo’t nakabakasyon ngayon ang Kongreso at ang impeachment court.

Pero para kay Honasan, hindi basta-basta maiimpluwensiyahan o mauudyukan ang mga kapwa niya senador na bumoto ng pabor kay Corona dahil may kanya-kanyang isip ang mga ito.

Binigyang diin ni Honasan na kung dadaanin ang paghatol sa gapangan sa halip na merito, alam din ng kanyang mga kasamahan ang magiging epekto nito sa bansa at kani-kanilang karera sa pulitika.

Dagdag pa ng senador, napakabilis ng pagkalat ng balita kapag may mga pailalim na transaksyon at hindi makikipagsapalaran dito ang mga senador.

Sinabi rin ni Honasan, na nag-iingat ang mga senador lalo na ang magtatapos ng kanilang termino dahil posibleng pagdudahan ang kanilang mga kilos.

Para kay Honasan, hindi makikipagsapalaran ang Malakanyang na gapangin ang mga senador dahil batid na hindi ito uubra.

Matatandaang inihayag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na tahimik man ngayon dahil walang impeachment trial ay garantisadong may mga patagong kilos at alok ang mga anti-Corona para i-convict ng mga senador ang punong mahistrado.

Tiyak din aniya na may counter action dito ang mga grupong maka-Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply