Senador matikas sa Singson Cup

PINAGPAG ni International Master Emmanuel Senador si No. 4 seed Oliver Dinakiling upang manatiling malinis matapos ang 4th round ng nagaganap na 2012 Mayor Allen Singson Cup Open sa Candon City, Ilocos Sur kaninang umaga

Nagsosolo sa unahan si ranked No. 7 Senador kung saan ay makahaharap niya si top seed Oliver Barbosa sa fifth round sa event na inorganisa ng Candon City Chess Club at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Si Barbosa na nagkampeon sa katatapos na 7th La Union Open Chess Championships kamakalawa ay kasalo sa second to seventh places na may 3.5 points.

Pinisak ni Barbosa, (elo 2585) si NM Joseph Mari Turqueza matapos siyang matablahan sa third round ni IM Chito Garma.

Ang ibang kasama ni Barbosa ay sina second seeded GM Mark Paragua, No. 3 seed Garwin Laylo, IM Ronald Dableo at NMs, David Elorta at Nelson Villanueva.

Unang giniba ni Senador ay si Bernard Velasco bago tiniris sa second round si FM Paulo Bersamina at sa round 3 ay pinagulong si Andrew Casiano.

Ang ibang matches ay sina Paragua laban kay Dableo, Villanueva katunggali si Laylo at kikilatisin ni Elorta si former De La Salle ace player Dimakiling na may 3 points. ELECH DAWA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply