Senate court handa na sa impeachment bukas

ABALA na ngayong araw pa lamang ang Senate impeachment court sa pagpapatuloy ng impeachment trial na muling magsisimula bukas laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni presiding-Judge at Senate President Juan Ponce Enrile na nakahanay na para bukas ang petisyon ng defense panel hinggil sa pagbasura sa Articles 1, 4, 5, 6 at 8 ng impeachment complaint.

Giit ng depensa na dapat pagpasyahan ng hukuman na absuwelto si Corona sa limang articles of impeachment matapos na iurong ng prosecution panel.

Ayon sa bagong skedyul ng impeachment, magsisimula pa rin ang hearing ng alas-2:00 ng hapon bukas, Lunes hanggang Huwebes at magtatapos ng alas-7:00 ng gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply