Senate legislative session nag-adjourn na

PORMAL nang itinigil ng Senado ang lehislaturang tungkulin nito bilang tagagawa ng batas alinsunod sa itinakda ng inaprubahang Legislative Calendar ng Kongreso hanggang Mayo 8, 2012.

Sa ginanap na huling sesyon ng Senado nitong ngayong araw, inihayag ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na pormal nang tinatapos ang legislative function ng Senado hanggang Mayo.

“Mr. President, I move to adjourn the legislative function of the Senate until May 8, 2012, I so moved Mr. President,” ayon kay Sotto.

“With no objection, the motion is approved,” tugon naman nik Sen. Gregorio Honasan, na umupong presiding officer sa plenaryo.

Nagsasagawa ng legislative function ang Senado tuwing umaga ng Martes at Miyerkules simula ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona noong Enero 16, 2012.

Pansamatala ring ititigil ang paglilitis kay Chief Justice Corona dahil magtatapos ang kalendaryo ng Kongreso sa Biyernes, Marso 24, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply