Senators umalma sa akusasyon ni Corona

UMALMA ang ilang senador sa naging akusasyon ni Chief Justice Renato Corona na may isang senador na gumagapang sa kanya para pagbitiwin siya sa pwesto sa harap ng nakabinbin na impeachment case sa Senado.

Hinamon ni Sen. Franklin Drilon, miyembro ng Liberal Party, si Corona na pangalanan kung sino ang tinutukoy na senador.

Tila nililihis lamang umano ng chief justice ang isyu kaya’t naglalabas ng kung ano-anong akusasyon.

Magugunitang lumutang na rin ang ulat na si Drilon ang kumausap sa punong mahistrado ngunit agad naman itong pinabulaanan ng senador.

Para naman sa isa pang senador ng LP na si Kiko Pangilinan, inihayag nito na sa halip na umakusa si Corona ay dapat paghandaan na lamang nito ang kanyang depensa sa kaso sa impeachment court.

Pero sa panig ni LP Senator Ralph Recto, wala namang problema na magsalita sa media ang punong mahistrado para idepensa ang kanyang sarili.

Tiniyak din ni Recto na hindi siya ang senador na nagpadala ng emisaryo para pagbibitiwin sa pwesto si Corona.

Hindi rin aniya makakaapekto sa kanyang paghuhusga sa kaso ang mga isiniwalat sa publiko ng punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply